Abante Tonite Interactive

Maraming salamat Pilipinas-Catriona

636

Handang handa na ang ating reigning Miss Universe na si Catriona Gray na isalin na ang korona sa magiging bagong Miss U bukas ng umaga (Philippine time).

Nag-post si Catriona sa kanyang Instagram account ng kanyang nararamdaman sa huling gabi niya bilang Miss Universe 2018.

“My last night as reigning @missuniverse and my emotions are all over the place. But underneath the noise, the underlying tone is gratitude.

“Gratitude for this amazing opportunity…for all of you amazing souls who have endlessly supported me and joined me on this journey.

“My message tomorrow night is dedicated to each and every one of you. 1 day to go….” ang nilalaman ng post ni Catriona na kasalukuyang nasa Atlanta, Georgia kung saan gaganapin ang Miss Universe 2019.

Hopefully, sa sarili niyang kalahi maipasa ang korona na si Gazini Ganados, ang representative ng ating bansa. Yup, everybody’s hoping for a back-to-back win lalo pa nga’t marami ang nagsasabi na malakas ang laban ng ating kandidata.

Back to back win din ang hiling ng ating Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.

Post niya sa kanyang IG account, “weather forecast: Cloudy with a chance of a back to back win at Miss Universe” na inayunan ng maraming Pinoy netizens.

Angel, Chito nanggigitata

Aliw ang post ng Parokya ni Edgar vocalit na si Chito Miranda na larawan nilang tatlo nina Angel Locsin at Bubbles Paraiso with matching mahabang caption.

Ito ang post na talagang paniniwalaan mong walang anumang malisya ang kanilang pagkakaibigan dahil makikita sa larawan na nakapangbahay lang sila at walang kaaayos-ayos ang dalawang girls.

Sa caption ni Chito, aniya ay ganito sila kakumportable sa isa’t isa na kahit daw walang ligo at walang ayos ay pwede silang magkita-kita.

“Hahaha! Sorry pero sobrang natawa talaga ako sa pic na ‘to!

“Eto pala yung mga kababata ko! halatang-halata sa picture na sobrang komportable namin sa isa’t-isa, kahit walang ayos at ligo, walang problema hahaha!

“Araw araw kami magkakasama kahit wala kaming lakad o kahit anong plano. Masaya na kami bumili ng snacks at tumambay sa gas station buong gabi.

Or biglaang swimming sa random resort kahit wala pa masyadong laman yung pool, o kahit tambay lang sa bahay kahit wala yung may-ari ng bahay hehe!

“Sa pagkaka-alala ko, galing kami nito sa isang nail spa. Wala kaming magawa kaya nagkayayaan lang bigla (minsan kasi nakakalimutan nila na lalake ako).

“Minsan naman, pagsusuotin nila ako ng paddings na pang-taekwondo, sabay gugulpihin nila ako. Dun ko naman nakakalimutan na mga babae sila,” ang salaysay ni Chito.

Ibinahagi rin ng asawa ni Neri Naig kung paano niya naging kaibigan ang dalawang aktres.

“Nakilala ko si Bubbs nung 16 pa lang sya. Si Gel naman naging kaibigan ko more than a decade ago, at sooobrang dami na naming napagdaanan.

Iba’t-ibang adventures and misadventures, pero lahat palaging masaya, kasi we genuinely care for each other, kahit may mga times na nag-aaway kami.”

Ikinuwento rin niya na nagagalit pala si Angel sa kanya ngayon.

“Tulad ngayon, galit sa akin si Angel kasi ang tagal na naming plano yung Japan tapos nag-back out ako bigla nung last minute (sorry na talaga✌).

“Pero kahit galit sya sa akin, alam ko na never nya ako papabayaan bilang kaibigan (siguro susungitan, aasarin, at papahirapan ng konti…pero never ako nyan papabayaan) and I’m sure alam nila na ganun din naman ako sa kanila.

“Si Bubbs palagi namang masungit yan kahit walang dahilan,” ang pagtatapos ni Chito.

Mukhang hindi na rin naman galit si Angel dahil nag-reply ito sa post ni Chito. Aniya, “yung “gitata” white yung mga damit natin pala hehehe. Labyu tsong kahit grr ako sayo.”

May nagbiro ngang mga netizens na public apology pala ang post ni Chito na gusto lang mag-sorry kay Angel.