Abante Tonite Interactive

Maraming salamat sa mga sundalo, pulis

294

Dear Abante Tonite:

Bukod sa pamahalaan, mga indibidwal at ­pribadong sektor gayundin sa ibang bansang nagbibigay ngayon ng tulong para sa mga kababayan natin na sinalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal karapat-dapat din ­pasalamatan ang mga sundalo at pulis.

Silang mga miyembro ng Armed Forces of the ­Philippines at Philippine National Police ay ­sinasakripisyo ang sariling kaligtasan para sa ­kapakanan ng mga sinalanta ng pagsabog ng bulkan.

Related Posts

Naroroon sila sa mga lugar kung saan mapanganib para sa ating lahat ang manatili. Hinaharap nila ang panganib para sa kaligtasan ng bawat mamamayang apektado ng kalamidad.

Sa ating mga sundalo at pulis, saludo po kami sa inyo. Marapat lamang na kayo’y pasalamatan dahil itinataya ninyo ang sariling kaligtasan para sa aming mga mamamayan.

Roldan ng Bacoor, Cavite