Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maraming tinamaan ng Delta variant `di bakunado – DOH

0 106

Binigyang-diin ng Department of Health (DOH) na mahalagang maturukan ng COVID-19 vaccine ang mga Pilipino dahil mas marami umanong nahahawa ng Delta variant ay wala pang bakuna.

“We are saying right now that most of these individuals na talagang naapektuhan po nitong Delta variant sa ibang bansa ay hindi mga bakunado. So, iyan lang po ay nagpapakita na kailangan po natin ang bakuna para tayo ay maprotektahan against severe illness and death,” pahayag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa public briefing.

Binanggit pa nito na batay aniya sa mga datos mula sa ibang bansa, 98% ng mga naospital at nagkaroon ng severe infection sa Estados Unidos dahil sa Delta variant ay wala pang bakuna laban sa COVID-19.

Sa Pilipinas naman aniya ay 18 mula sa naitalang kaso ng Delta variant ang hindi pa bakunado habang dalawa ang kumpleto na ang dose ng COVID- vaccine.

Pinayuhan din ng DOH ang publiko na agad magpa-checkup kung nakararanas ng trangkaso dahil ang mga sintomas nito ay katulad sa COVID-19.

Ayon kay Vergeire, malaki ang pagkakatulad ng sintomas ng COVID at trangkaso gaya ng pananakit ng katawan, lagnat, masakit na lalamunan at sinisipon kaya dapat na agad mag-isolate.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.