Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maraño binaha ng suporta

0 120

Pagputok ng Instagram post ni Philippine Basketball Association veteran Robert Lee Bolick Jr. ng NorthPort, inulan ng suporta si incoming Premier Volleyball League player Abegail ‘Aby’ Maraño ng F2 Logistics.

Marami ang nagalit sa Batang Pier combo guard nang i-post noong Lunes sa kanyang IG ang isang babae na nagngangalang Cassandra Yu.

“Grabe. Nag-umapaw ang pagmamahal. I am so grateful for all the love that I’m getting from people that support me. Kahit sa mga hindi ko inaasahang susuporta sa akin. Naramdaman ko kayo! Maraming maraming salamat,” anang balibolista, na walang taon nang boyfriend si Bolick.

SM food to go Banner Ad

Maging ang national teammate niyang si Mylene Paat nagpadala pa ng bulaklak kay Maraño.

“For Tyang Aby, I love you Sister! From Mama P.,” nakasaad sa mensahe niya. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.