Abante Tonite Interactive

Maraño, Mau, Dy babalikat sa Cargo Movers

358

2019 PSL All-Filipino Conference Team Preview

Papalo para sa opening day ng 7th Philippine Superliga All-Filipino Conference 2019 ang F2 Logistics na pangungunahan ni team captain Aby Maraño.

Silver finish lang ang naabot ng Cargo Movers sa nakaraang confe­rence kaya asahan na hahagupit pa ang mga ito sa pagdating ni Fil-Hawaiian Kalei Mau sa koponan.

“The reason why I chose F2 was mainly I thought about what team will benefit me as a player,” pahayag ni Mau.

Magbabalik din para sa F2 Logistics sina Kianna Dy at Kim Fajardo na na-injured sa nakaraang buwang Grand Prix.

Sa pamumuno ni coach Ramil de Jesus, target ngayon makuha ng Cargo Movers ang titulo sa All-Filipino Conference. (Janiel Abby Toralba)