Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maraño patulong ng dasal kay Baron

0 49

Imbes na tips sa volleyball ang ihirit ni Abigail ‘Aby’ Marano sa kapwa niya Philipine Super Liga star na si Mary Joy ‘Majoy’ Baron, dasal ang ni-request.

Sa Instagram story ng F2 Logistic team skipper Marano Lunes, tinanong niya ang teammate kung ano ang sikreto at dasal sa pananatiling walang kupas na kagandahan ni Baron.

“Ano prayers mo? Paano ang ganyan @majoybaron?” pabirong tanong ni ‘Tyang Aby’ sa kabog na litrato ni Majoy.

Hindi maipagkakailang close ang dalawa dahil matagal nang magkasama sa powerhouse team na Cargo Movers ng PSL bago lumipat sa Premier Volleyball League sa taong ito.

Iwawagayway ng dalawa ang Philippine National Volleyball Federation dahil lalarga sila sa nalalapit na 11th Asian Women’s Volleyball Club Championship sa Thailand sa Oct. 1-7.

Sokpa sa Team Choco Mucho si Baron habang si Maraño ay sa Team Rebisco. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.