Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maraño, Paat nagpaseksihan

0 203

Hindi naiwasan nina incoming Premier Volleyball League stars Abigail ‘Aby’ Marano at Mylene Paat na ipagbilaran muna ang kanilang mga alindog habang naghihintay sa nalalapit na pagbubukas ng nasabing women’s professional volleyfest.

Suot ang kulay pulang one-piece swimsuit, ipinost Biyernes ni Marano, 28, ang kaseksihan, habang hindi nagpahuli si Paat, 27, na habang nakaupo sa tabi ng pool ipinakita ang kanyang hubog sa social media account niya.

Abangers ang dalawang beteranang balibolista sa basbas ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease para sa bubble training camp at PVL Open Conference sa July. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.