Abante Tonite Interactive

Maraño pinananatili ang alindog kahit naka-ECQ

696

Tuloy lang sa pakondisyon ng katawan si volleyball star Abigail ‘Aby’ Maraño kahit nasa loob lang ng kanyang tahanan dahil sa nakataas na enhanced community quarantine sa Luzon sapul pa noong Marso 15.

Sa Instagram post ng 27-year-old, 5-foot-9 Ilongga middle hitter, makikitang nag-weightlifting ang F2 Logistics Caro Movers ng Philippine SuperLiga (PSL), kita ang bagsik ng kaseksihan ng dalaga.

“My life is good and my discomfort is temporary. I will be the best version of me – no holding me back #WorkFrom Home #gymathome #NewPlayground #Quarantine” caption ng volleybelle.

Kahapon (Martes), pinalawig pa ng gobyerno ang ECQ hanggang Abril 30 at inabisuhan ang lahat na manatili sa kanilang mga bahay para makaiwas sa coronavirus disease 2019 pandemic. (Janiel Abby Toralba)

Tonite – Wendys Inhouse Ad