Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Maraño todo pakondisyon

0 85

Walang sawa sa pagwo-workout si Philippine SuperLiga star Abigail ‘Aby’ Maraño upang mapanatili ang kanyang kondisyon kahit na may pandemiya.

Kahit na hindi parin tiyak kung kailan muling maipagpapatuloy ang 8th PSL 2020 o women’s volleyball action sa bansa, todo lang F2 Logistics Cargo Movers middle hitter para makondisyon ang kanyang katawan.

Sa kanyang Facebook post nitong Lunes, isang after-workout photo ang ibinahagi ng 27-anyos, may 5-9 na taas na beteranang balibolista, na humirit pa ng kanyang pagkalungkot sa hindi pa rin paglalaro ng volleyball.

Caption ni Maraño, “Monday grind is done. Grabe miss ko na mag volleyball! Kayo ba?” (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.