Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marathoner isinauli ang pitaka ng driver

0 609

Likas na sa mga Pinoy ang pagiging matapat pa rin sa gitna ng kagipitan sa panahon ng lockdown o quarantine na dulot ng COVID-19 pandemic.

Ito ang pinatunayan ng may tatlong anak na multititled marathoner na si Luisa Yambao-Raterta, 38, ng Lakeville Subdivision, Sinalhan, Sta. Rosa City, na nagbalik ng napulot na pitaka noong Linggo ng gabi malapit sa kanilang tahanan.

“Halos P2K ang laman at may tatlong mahalagang ID card. Naisip ko lahat tayo nangangailangan ng pera ngayon. Ako para sa tatlo kong anak dahil wala nga munang mga fun run ngayon. Pero sabi ko kailangan din ng nawalan ito,” ani Luisa kahapon na mula kakambal niyang si 1993 National Milo Marathon Finals champion Lisa nang mapulot ang wallet.

Naibalik na niya ito sa may ari na si Aries Severino, isang tricycle driver na taga-Canlalay, Biñan City, na nanawagan din sa Facebook, nilakip ang contact number niya at hiniram ang pera pampakain sa apat na anak.

Dahil sa kabutihan, nakapulot ng P120 sa kanyang jog-run at nanalo pa ng desk fan sa isang raffle sa kanilang lugar si Luisa, na pagga-Grab at online selling ang diskarte ngayon para sa kanyang pamilya. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.