Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marawi compensation bill aprub sa Kamara

0 145

Pasado na sa Kamara ang panukala upang mabayaran ang mga may-ari ng mga ari-arian sa Marawi City na nasira sa bakbakan ng mga sundalo at teroristang grupo noong 2017.

Walang tumutol sa pag-apruba ng panukalang Marawi Compensation Act (House Bill 9925) na nakatanggap ng 197 boto.

Ayon kay Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman, ang pag-apruba sa panukala ay isang malaking hakbang upang maibangon hindi lamang ang mga imprastraktura ng siyudad kundi maging ang dangal ng mga residente nito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang pagbabayad sa mga kuwalipika­dong claimant ay dadaan sa Task Force Bangon Marawi. Ang halaga ng ibabayad ay depende sa halaga ng ari-ariang na­sira batay sa pagtataya ng government financial institution o kuwalipikadong appraiser na kinikilala ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Nanawagan din si Hataman sa Sena­do na aprubahan ang kaparehong panu­kala. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.