Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marawi `di pinababayaan ni Duterte – Roque

0 260

Tiniyak ng Malacañang na patuloy ang isinasagawang rehabilitasyon sa Marawi City matapos ang pagkawasak nito dahil sa giyerang bunga ng pagkubkob ng teroristang Maute Group sa naturang lungsod.

Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque dahil sa pahayag ni Basilan Rep. Mujiv Hataman na hinihiling kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtakda ng deadline para matapos na ang rehabilitasyon sa Marawi.

Nangangamba kasi ang mambabatas na makalimutan ang pagbangon ng Marawi City kapag hindi ito natapos gawin sa termino ni Pangulong Duterte na hanggang 2022.

“Hindi tumigil `yong gobyerno para mapabangon muli ang Marawi dahil doon sa nangyari ilang taon na ang nakalipas,” ayon ka Roque.

“Tuloy-tuloy ang rebuilding of Marawi. Kaya nga siguro hindi na sinama sa talumpati ng Presidente dahil nagsimula naman po `yan at ongoing po `yan,” dagdag ng kalihim.

Sinabi pa ni Roque baka sa susunod na press briefing nito ay gawin sa Marawi para makita aniya kung ano na ang kalagayan sa isinasagawang pagbangon ng Marawi. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.