Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marawi sige ang pagbangon – Go

0 211

Nakatuon ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran ng bansa, lalo na sa Mindanao, ayon sa isang senador.

“Importante sa amin ni Pangulong Duterte ang kapayapaan, lalo na sa Mindanao. Wala na po dapat na patayan. Sino ba namang gustong magpatayan Pilipino laban sa kapwa Pilipino? Masakit ‘yon,” sabi ni Senador Bong Go.

SM food to go Banner Ad

Noong Sabado, dumalo ang senador at pangulo sa commemoration activity sa Rizal park sa Marawi, Lanao del Sur para sa ikaapat na ta­ong anibersaryo ng kalayaan sa Marawi mula sa kamay ng mga terorista na kumubkob sa lungsod noong 2017.

Sa kanyang talumpati, pinuri ni Duterte ang Task Force Bangon Marawi sa kanilang serbisyo at sakripisyo, at ang rehabilitation team, mga lokal na lider at iba pang mga stake­holder sa muling pagtatayo ng Grand Mosque ng Marawi. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.