Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marc mabenta sa int’l magazine

0 290

Maraming proyekto si Marc Cubales sa pagpasok ng taong 2022.

“By February, may ano ako, may pasabog talaga, more than what you expect,” bulalas ng singer, international model, producer, businessman, at pilantropo.

“Actually hindi siya plano, we’re halfway through, so kahit na pandemic, kahit ganyan na tahimik kami, we tried na rin na kumilos kahit paano, para naka-abang lang siya. Like yung fashion show sa YouTube, natapos namin siya, puro teaser lang. Nakapag-photoshoot kami for Gladys Magazine which is available sa Barns and Nobles,” dagdag pa niya.

Meron din silang gagawing virtual Sinag fashion show ng award-winning fashion designer na si Ms. Joyce Peñas Pilarsky.Mapapanood din daw ito sa kanilang YouTube channel

“Tinawag na Sinag, though dark times tayo ngayon, hindi ba, there’s always a light. Sinag symbolizes hope na sa kabila ng pandemya, may malaking pag-asa pa rin. It’s actually a project of Jhay Layson, produced by me and Joyce.. Jhay is also an international designer and award winning designer helping Joyce as well.

“Actually, model lang ako sa Sinag and part producer… but the brain and the idea sa project is really from Jhay Layson,” lahad pa niya.

Umaalagwa rin si Marc bilang model. Feeling nga niya ay lalong humataw.

“ I couldn’t imagine na I’ll be part of a US magazine… anytime ay magce-centerfold na naman ako, US pa. Tapos next year ay magpa-fashion week kami sa London, may jewelry din dito at mas extravagant ang ilalabas nila.

“There’s a BL series na pinag-uusapan naming. Actually part 2 na ng BL series, pero magbabago lang ng cast. But we are aiming, we are looking sa mga hindi artista, like ‘yung mga influencer, yung mga Tiktok artist, mga ganoon. Iyon ang sinusubukan naming ipasok, instead na mga celebrity. Kasi they have talents din e, yung mga Tiktok artists, ” sambit niya.

Balak din ni Marc ang maging director.

Sisimulan niya ito sa pagiging assistant director, next year.

Leave A Reply

Your email address will not be published.