Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marc pasabog sa ayudang 80 kabang bigas

0 54

NI: ROLDAN CASTRO

Umpisa pa lang ng 2022 pero may pasabog na si Marc Cubales.

Totoo ang sinabi ng naturang international model, singer, producer, businessman, at pilantropo last year na nakaplantsa na ang kanyang gagawin ngayong taon.

Ngayong araw na ito ay may ayuda sa Rodriguez, Rizal (dating Montalban) si Marc. Magbibigay siya ng 80 kaban ng bigas. Tulong niya ito sa mga naapektuhan ng pandemya.

Bagamat wala namang balak pumasok sa politika si Marc talagang adbokasya niya ang tumulong sa mga kapus-palad.

Tuloy pa rin ang mga charity works niya. Masarap daw kasi ang pakiramdam na nakakatulong sa kapwa.

Tungkol naman sa kanyang career, nakaabang na ‘yung fashion show na mapapanood sa sa YouTube. Nakapag-photo shoot na rin siya sa Gladys Magazine na available sa Barns and Nobles.

Nakaabang na rin ang Sinag fashion show nila ng award-winning fashion designer na si Ms. Joyce Peñas Pilarsky with Jhay Layson.

“Kaya siya tinawag na Sinag, though dark times tayo ngayon, hindi ba, there’s always a light. Sinag symbolizes hope na sa kabila ng pandemya, may malaking pag-asa pa rin,” deklara niya,

Kabilang din sa plano ni Marc ang maging director peero magsisimula muna raw siya bilang assistant director. Balak din niyang gumawa ng BL serye.

Leave A Reply

Your email address will not be published.