Abante Tonite Interactive

Marcelino tinapik na testigo ni De Lima

By
0 202

Ngayong nakalaya na sa drug case si Marine Colonel Ferdinand Marcelino, hinimok ito ni Senadora Leila de Lima na tumestigo naman sa kinakaharap niyang mga kaso sa droga.

Sa pagdinig ng Senado, iginiit ni Marcelino na gawa-gawa lamang ang lahat ng kasong inihain laban sa kanya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) Anti-Illegal Drugs Group matapos arestuhin sa sinalakay na shabu laboratory sa Sta. Cruz, Maynila noong Enero 2016.

“I am glad that Col. Marcelino’s ordeal is over. Mine, however, continues. Ang pakiusap ko lang sa kanya ngayon ay ito – now that he is a free man, may he continue to have the cou­rage to always stand up for what is true, right and just,” pahayag ni De Lima.

Kapag tinanggap ni Marcelino ang alok na pagtestigo, inaasahan naman ni De Lima na hindi ito magpapa-manipula kanino man.

“Huwag sana siyang magpagamit kanino man para idiin pa ako sa mga kaso. He knows I am innocent,” ­dagdag ng senador.