Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcelino, Zamboanga bumira

0 82

Trumabaho si Jaycee Marcelino ng 14 points, 6 rebounds, 4 assists at 3 steals upang balikatin ang Zamboanga Family’s Brand Sardines na sipain ang Marikina Shoe Masters, 91-76, sa pagpapatuloy ng 4th Maharlika Pilipinas Basketball League regular season game Lunes ng gabi sa Santa Rosa Multi-Purpose Center sa Laguna.

Iyon ang pang-apat na ragasa ng Chavacanos upang umakyat sa solo fourth spot sa 4-0 win-loss record sa 22-team men’s hoopfest, sinalya ang Shoe Capital sa pang-18 sa barahang 1-5.

Kumayod naman si Jeric Encho Serrano ng 11 markers at 12 boards nang iwasiwas ng Imus Bandera (2-3) ang Makati City MNL Kingpins (1-5), 72-44. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.