
ISA na namang karangalan ang nadagdag sa showbiz journey ni Marcene Bernice Batalla Bermundo matapos siyang kilalanin sa katatapos na 3rd Philippines Young Faces of Success 2026.
Pinarangalan si Marcene bilang pag-pagkilala sa kanyang mga nagawa at achievement bilang teen beauty queen, singer, aktres at ramp model.
Hindi lang sa beauty pageant at pag-arte umiikot ang mundo ni Marcene. Kasama rin siya sa KITTRIX All-Girls PPop Group. Mayroon sila ngayong original song na ‘Mr. Suplado.’
Ang pagsungkit ng award ni Marcene ay patunay ng kanyang sipag, talento, at determinasyon na maabot ang tagumpay. Inaasahan na magsisilbi siyang inspirasyon sa mas marami pang kabataang Pilipino na mangarap at magsikap upang makamit ang kanilang mga layunin.
May acting experience na rin si Marcene matapos siyang mapabilang sa cast ng advocacy film na “Teen Journeys,” na idinirehe ni Crisaldo B. Pablo.
Anyway, kapansin-pansin din ang showbiz at beauty pageant background ng kanyang pamilya. Kapatid niya ang beauty queen-actress na si Marianne Beatriz Batalla Bermundo, habang ang kanilang ina na si Virgie Batalla Bermundo ay isang fashion designer at events producer.
Ginanap ang star-studded awards night noong Agosto 1 sa Camelot Hotel sa Quezon City, sa pangunguna ni Award Guro Richard Hiñola.
Hindi lamang si Marcene ang tumanggap ng pagkilala. Kasama rin sa mga pinarangalan sa 3rd Philippines Young Faces of Success sina JM Ibarra, Blue Dreamers PH, Myrus, atbp.
Sa kabila ng kanyang murang edad, unti-unti nang nabubuo ang pangalan ni Marcene sa mundo ng entertainment.
Sa pagtanggap niya ng parangal bilang Philippine Face of Success 2026, mas lalo pang nabigyan ng inspirasyon si Marcene na ipagpatuloy ang kanyang mga pangarap sa showbiz, music at fashion.
Pak!











