Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial puntirya 2-3 conference

0 66

Hangad ng Philippine Basketball Association (PBA) na magkakaroon ng dalawa o hanggang regular na tatlong conference sa ika-46 na edisyon ngayong taon.

Pero iyan nakadepende pa rin sa magiging sitwasyon ng coronavirus pandemic sa bansa, ayon nitong Linggo kay pro cage league Commissioner Willie Marcial.

Naging matagumpay an gang 45th PBA 2020 Philippine Cup Bubble season sa Angeles, Pampanga noong Oktubre-Disyembre kahit na may kinakaharap na pandemiyang Covid-19.

“Tignan natin kung kakayanin ng tatlong conferences. Kung hindi, baka two. At least two conferences lang ang magagawa natin, ayos pa rin,” lahad ni Marcial sa Power & Play ni Jose Emmanuel ‘Noli’ Eala,

Dinetalye pa niyang pipilitin ng liga na magkaroon ng dalawang conferences at tinitignan rin ang sitwasyon para sa Coronavirus Disease vaccine.

Planong masimulan ng liga ang 2021 PH Cup sa April 9. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.