Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial: 5-on-5 una sa 3×3

0 171

Mas malamang mauna nang magsimula ang regular five-on-five tournament ng PBA bago ang inaugural 3×3.

Unang plano ay isabay na ang 3-a-side sa pagbubukas ng 46th season sa late June, pero mukhang hindi na muna.

Kauumpisa lang halos ng full practices ng 12 teams, dumayo pa ng Batangas City ang siyam na ballclubs at nasa Laoag City ang Meralco at TNT, sa Clark ang sister-team nilang NLEX. Walang mapag-ensayuhan ang 16 teams na sasabak sa 3×3.

“Saan sila puwede mag-practice? Batangas lang. Eh, ginagamit ng teams ‘yung gyms, eh ‘di kulang sa oras,” ani commissioner Willie Marcial Linggo. “So mauuna na siguro ‘yung 5-on-5 tapos saka pa ‘yung 3×3.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.