Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial abangers sa IATF basbas

0 63

Kapag natuloy na ang kickoff ng 46th season, plano ng PBA na ilaro ang Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo.

Umaasa ang liga na makakakuha na ng green light mula sa IATF para makapagsimula ng early July.

Sinabi ni commissioner Willie Marcial na naghahanap ng ibang alternatibong paglalaruan, lalo’t mas malamang na walang fans na papapasukin sa playing venue.

“Tutal walang fans, sa mas maliit na (venue) lang tayo,” paliwanag Miyerkoles ni Marcial. “Kapag pinayagan na tayo dito sa Metro Manila, p’wedeng sa Ynares Sports Arena sa Pasig na lang tayo maglaro.”

Hindi pa binibitawan ng liga ang planong magkasa ng dalawang conference ngayong season – all-Filipino at Governors Cup.

Sa target start na July, puwedeng siksikin ang mga laro para matapos ng December hanggang January. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.