Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial ala-Magno, nag-senti

0 308

Ginaya ni Eumir Felix Marcial si national boxing teammate at co-2020 Tokyo Olympic-bound Irish Magno matapos na i-post sa social media ang hinaing sa kawalan ng suporta ng kinauukulan para sa kanyang pagsasanay at paghahanda sa inurong ng Covid-19 na quadrennial sportsfest sa parating na July 23-August 8.

“Kapag nagsalita kami magiging masama ang labas. Nag-delete ng post si Irish Magno dahil pina-delete. Ngayon magiging masama ako dahil nagsalita ako at hindi ako nag-reach out. Last year palang nag-reach out na ako pero hanggang ngayon walang nangyari,” litanya Huwebes ng 25-anyos, 5-8 ang taas at tubong Zamboanga City.

Hinirit pa niyang nawalan siya ng allowance na nagpabagsak sa kanyang morale pero ginagawa pa rin niya ang makakaya sa misyong mabigyan ng unang gold medal ang ‘Pinas sapul noong 1924 sa nalalapit na Summer Games.

Ipinaliwanag naman nina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez na kahit may na may pondo na para allowance ng mga atleta’y nahihirapan ang ahensiya na agad ipamahagi dahil sa sinusunod na proseso pati na sa pagsisiguro sa badyet mula sa pamahalaan. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.