Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial: Bakuna sasalba sa PBA

0 136

Bakuna ang solusyon para magkaroon ng linaw ang susunod na hakbang ng PBA para sa susunod na season.

Hindi pa nga lang masigurado kung kailan darating ang inorder na bakuna ng PBA, San Miguel Corp. at MVP group.

Sa bisa ng tripartite agreement ng gobyerno, pharmaceutical companies na gumagawa ng vaccine at pribadong sector, pinayagan nang makabili ng anti-COVID vaccines ang private entities.

Kinansela na ang April 18 opening ng 46th season habang nasa ECQ pa ang Metro Manila at mga karatig-probinsiya hanggang April 18. Posibleng May o June na ang simula ng mga laro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabanggit ni commissioner Willie Marcial na last resort ng liga ang bubble-style play tulad ng ginawa sa Clark, Pampanga noong nakaraang Philippine Cup.

Pero mas malamang na matuloy ang bawas-gastos na semi-bubble kapag dumating na ang mga bakuna.

“Siguradong tuloy na tayo ‘pag nagkaganu’n, dumating na vaccines at vaccinated na lahat ng tao natin,” ani Marcial Huwbes. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.