Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial best executive ng PSA

0 208

Sa matagumpay na pamunuan ang PBA na maka-restart sa 45th season sa ilalim kakaibang paraan, gagawaran ng pagkilala si Commissioner Willie Marcial sa gaganaping San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Awards Night sa Sabado.

Ang 10th commissioner ng pinakaunang pro league sa Asia ang kikilalaning Executive of the Year ng pinakamatagal na sports writing fraternity sa bansa sa unang virtual event na gaganapin sa Marso 27 sa TV5 Media Center sa Mandaluyong.

Ang special honor ay isa sa 32 awards na ibibigay sa aktbidad na ihahatid ng San Miguel Corporation (SMC) at mga suportado ng PSC (Philippine Sports Commission) at Cignal TV.

Ang pares nina Gretchen Ho at Carlo Pamintuan ang hosts sa programa na aayudahan din ng 1 Pacman Partylist, Chooks-to-Go, at Rain or Shine .

Ipapalabas ito sa Mar. 28 sa One Sports+ simula sa alas-7:00 nang gabi-alas-8:30 nang gabi. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.