Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial bitin pa sa schedule

0 41

Hindi pa makapaglabas ang PBA ng schedule para sa Philippine Cup ng Season 46 tatlong araw bago magsimula ang torneo sa July 16.

“Hintayin muna natin ‘yung resulta ng swab test,” ani commissioner Willie Marcial Martes. “Baka may mag-positive, eh. Saka natin aayusin (schedule).”

Sumailalim kahapon sa RT-PCR test ang lahat ng players, coaching staff, game officials at PBA employees.

Lalabas ang resulta pagkatapos ng 24-oras, saka pa lang makakapaglabas ng schedule ang liga.

“Wala na rin munang tune-up games,” panapos wakas ng opisyal. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.