Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial distansya sa palitang Perez-SMB

0 219

Walang balak si PBA commissioner Willie Marcial na pakialaman ang proposed trade na magdadala kay CJ Perez sa San Miguel Beer.

Base sa package, makukuhang kapalit ng Terrafirma sina Matt Ganuelas-Rosser, Russell Escoto at Gelo Alolino at ang No. 8 pick ng Beermen sa 2021 Draft sa March 14.

Katwiran ng Dyip, magagamit nila ang dalawang first-rounder para magpalakas. Terrafirma rin ang No. 1 pick ngayong taon.

Ipinunto ni Marcial na may trade committee ang liga na bubusisi sa mga panukalang deal. Binubuo ito nina league legal counsel Atty. Melvin Mendoza, deputy commissioner Eric Castro at technical group members Joey Guanio, Rose Teotico at Junior Bengua.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tiga-pirma lang ang commissioner.

“Since Day One, hindi ko naman pinakialaman ‘yan, eh,” giit ni Kume. “Kung ano ang desisyon nila, rerespetuhin ko.”

Noong 2017 Draft, tinanguan ni noo’y commissioner Chito Narvasa ang Kia-SMB trade rin. Binigay ng Kia (Terrafirma Dyip ngayon) ang top pick sa San Miguel kapalit ng tatlong role players din. Ginamit ng Beermen ang rights para makuha si Christian Standhardinger.

Nag-exit si Narvasa dahil sa kontrobersiyang ‘yun at naupo si Marcial noong January 2018.

Si Perez ang No. 1 pick ng Dyip noong 2018, naging Rookie of the Year at reigning two-time Scoring champion.. (Vladie Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.