Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial hihilutin mga fan sa venue

0 91

Bukas, December 1 ang nakatakdang pakikipagpulong ni commissioner Willie Marcial sa local government unit ng Pasay City para ilatag ang protocols ng PBA sa pag-asang mapayagan ang fans na makapasok na sa venues.

Kung papayagan, posibleng bumalik na rin ang mga laro sa MOA Arena.

Ganito rin ang gagawin sa Quezon City para sa Smart Araneta Coliseum, Antipolo (Ynares Center), San Juan (Filoil Flying V Arena) – mga alternate venue ng laro.

“Kasalukuyan tayong nakikipag-usap sa mga LGUs at kami’y umaasa na mapagbibigyan ang ating kahilingan na pahintulutang makapasok at makapanood ang fans,” ani Marcial Lunes.

SM food to go Banner Ad

Pinayagan ng IATF na ilarga ang Governors Cup, pero nasa LGUs ang desisyon kung papayagang makanood ang fans.

Habang hindi pa nakukuha ng go-signal, pansamantala ay bakante pa rin ang mga upuan sa Ynares Sports Arena sa Pasig kapag natuloy ang pagbubukas ng season-ending conference sa Dec. 8.

Plano pa ng liga na ibalik ang Manila Clasico sa pagitan ng Ginebra at Purefoods sa Dec. 25. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.