Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial itataob si Whitfield

0 169

KNOCKOUT win ang nais ni three-time Southeast Asian Games champion Eumir Felix Marcial sa unang laban sa professional boxing.

Todo ang paghahanda ng 25-year-old, 5-foot-8 at Zamboanga native para matupad ang minimithing paspasang panalo sa mahigit dalawang buwan ng ensayo sa Wild Card Gym sa Hollywood sa ilalim ni American trainer Freddie Roach.

Nakatakdang harapin ni Tokyo Olympics-bound Marcial si Andrew Whitfield ng Estados Unidos sa Disyembre 17, (Disyembre 16 sa America) sa Microsoft Theater sa Los Angeles, California.

Kumpiyansa si Roach na mananalo ang kanyang alag at balang araw magiging kampeon. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.