Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial ititigil liga para sa FIBA

0 216

May mga ulat na planong ituloy ng FIBA ang delayed windows ng 2021 Asian Cup qualifiers ng November at February.

Kapag hindi pa nakontrol ang coronavirus outbreak ng November, susunod-sunurin ang FIBA games sa kaagahan ng 2021 para matapos ang torneo ng late August.

Pinag-aaralan na ng PBA ang options kapag natuloy ang plano ng FIBA.

“Most of the national team members are pros, so there’s a big chance the PBA would have to stop action once the players take leave for them to play with Gilas,” lahad ng isang league insider kahapon.

Magkukumahog ang PBA na tapusin ang Philippine Cup ng January, kung maihahabol ang pagbabalik ng mga laro ng kahit mid-October.

Nabanggit dati ni commissioner Willie Marcial na March o April ang susunod na PBA season, pero ngayon ay kailangan muna nilang tapusin ang Philippine Cup na natigil noong March 11. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.