Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial kalinga na ni Pacquiao

0 423

Official nang nasa kuwadra ni Manny Pacquiao si Eumir Felix Marcial.

Sa kabila ng plantsadong promotional deal, ipinangako ni Marcial na tutugon pa rin siya kapag tinawag para magsuot ng national coloros at pipiliting masikwat ang unang Olympic gold ng Pilipinas.

Sa isang statement kahapon, sinabi ng Olympian hopeful na napili niya ang Manny Pacquiao Promotions dahil sa 100% support nito sa boxer sa pakikipagbalugbugan sa SEA Games, Asian Games hanggang Olympics.

“Katunayan, nakasaad sa aking six-year promotional deal na hindi sila magiging hadlang sa oras na kailanganin ako ng national team,” ani Marcial na galling sa Alliances of Boxing in the Philippines (ABAP)

Nakumpirma ang matagal nang bali-balita na magiging pro na ang boxing champion. At malaking bagay rito na nasa anino siya ni Pacquiao.

“Karangalan ko rin na maging gabay sa aking boxing career si Sen.Pacquiao na sa tulong ni MP Promotions president Sean Gibbons ay naging instrumento sa tagumpay ng ating mga current world champions Pedro Taduran, Johnriel Casimero at Jerwin Ancajas,” aniya pa. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.