Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial lalagare para sa PH Cup

0 226

Sa Lunes, magpupulong ang PBA Board para ilatag ang plano ng Season 46.

Una sa agenda kung kailan ang opening at kung saan ang venue.

“May ang pinakaayos na mag-start tayo,” pahayag ni commissioner Willie Marcial Martes. “Kailangan magsimula na tayo ng May. ‘Yung June, lalo na July, sobrang layo na nu’n. Sobrang tagal na ‘yun. Imagine ‘pag July pa tayo nag-start ..”

Umaasa ang PBA chief na dumating na ang inorder na vaccine para pagdating ng July ay nabakunahan na lahat ng players, staff at empleyado.

Masyado na umanong urong kung June o July pa magsisimula.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Philippine Cup apat na buwan ang schedule. Biruin mo isang conference aabutin na tayo ng November?” lahad ni Marcial.

Sa ganitong senaryo, kakailanganin nang igsian ang dating six-month format ng Governors Cup para hindi abutin ng second quarter ng 2022.

“Second conference p’wedeng bawasan na ‘yun,” dagdag ni Kume. “’Yun ang kasama sa pag-uusapan, kung one conference o dalawa pa rin.”

Pinakamainam na opsiyon ng venue ang hilltop sa Antipolo.

“Kapag may bakuna na lahat, sigurado tayo sa Rizal,” rason ni Marcial. “’Pag hindi pa tayo pinayagan dito sa NCR, okay na Rizal kung maluwag na doon.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.