Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial maraming ibabalik

0 65

Tuloy na ang plano ng PBA na ibalik ang tatlong conferences sa susunod na 2022-23 o 47th season, kasama ang all-stars at mga laro sa abroad at out-town.

“First conference (Philippine Cup) will start June 5, matatapos ng September 2,” pahayag ni commissioner Willie Marcial sa Zoom press conference Miyerkoles kasama sina Board chairman Ricky Vargas ng TNT, vice chair Bobby Rosales ng Terrafirma at treasurer Raymond Zorilla ng Phoenix.

Ipapahiram ng PBA teams ang kanilang mga player para sa Gilas na sasabak ng Asian Games sa Sept. 10-25, larga naman ang midseason Commissioner’s Cup sa October 2-January 25.

SM food to go Banner Ad

At sa Feb. 1-May 10 ang Governors.

“Diyan (Govs’ Cup) natin ilalagay ang All-Stars, out-of-town at out-of-the country games,” panapos na sey ni Marcial. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.