Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial masaya sa balik praktis ng liga

0 343

Ikinatuwa ni Commissioner Willie Marcial ang go-signal ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na puwede nang buksan ang practice facilities.

Ibig sabihin ay puwede nang mag-workout ang players, at posible nang iporma ang pagbabalik ng nakanselang Philippine Cup.

“Natutuwa tayo na inaprubahan ng Task Force, pero sinabihan pa lang ako. Wala pang formal letter na galing TF o GAB (Games and Amusements Board),” ani Marcial kahapon.

Inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque Biyernes ng tanghali na puwede nang mag-ensayo ang basketball at football teams.

Target ng PBA ang September o October na ibalik ang liga na itinigil noong March 11 dahil sa coronavirus pandemic.

Ngayong buwan inaasahang babalik sa practice facilities ang players pero mas istrikto ang health protocols.

“Pinahintulutan tayo mag-practice, ‘yung protocol natin ang gagamitin,” dagdag ni Kume.

Base sa naunang panukala ng PBA, apat na players, isang health worker at isang trainer lang ang sabay-sabay papasok sa gym. Pagkatapos ng workout, diretso alis na ang mga ito at papasok ang susunod na batch.

Puwede pang sa susunod na buwan ay ibalik ang mga laro para ma-salvage ang season kahit isang conference na lang.

“Baka darating na buwan p’wede na tayo (tumuloy sa laro),” panapos na wika ni Marcial. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.