Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial matibay kahit namatayan

0 101

Sakit sa pisikal at emosyonal.

Lungkot at hirap ang pinagdaraanan ngayon ni 2020 Tokyo Oympic-bound Eumir Felix Marcial nang bawian ng buhay ang kanyang kapatid sa ‘Pinas kung saan ‘di niya masisilayan pa dahil nasa Tate na siya upang mag-ensayo.

SM food to go Banner Ad

Nagsasanay ang kapo-pro lang na boxer sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California sa ilalim ni legendary trainer Freddie Roach.

“Masakit man na ‘di ko siya makita kahit na sa huling pagkakataon, mas pinili ko pa rin na mag-stay ako dito at magtuloy-tuloy ako sa ensayo,” kwento ni Marcial sa TOPS Usapang Spots ng PSC, GAB at Pagcor.

“Alam ko yung kapatid ko mas masaya sa akin dahil pangarap din niyang manalo ako ng gold sa Olympics kahit na-move sa 2021, at mag-world champion din ako,” panapos na wika ng 25-anyos, may taas na 5-8 at tubong Zamboanga City na boksingero. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.