Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial may isisiwalat sa PSA

0 153

Magiging panauhin sa Philippine Sportswriters Association (PSA) webcast Forum ngayong Martes ng alas-10:30 nang umaga si Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial na mula pa sa Clark Freeport bubble sa Pampanga.

Ibabahagi niya sa Forum na mapapanood via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at Radyo Pilipinas 2 Facebook page ang matagumpay na pagbabalik ng liga sa 45th season Philippine Cup nito nitong Linggo sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.

Nag-trending topic rin sa Twitter ang pagbabalik ng PBA na tunay na inabangan ng mga basketball fan.

Inihahatid ang weekly sports forum ng San Miguel Beer, Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Upstream Media bilang official webcast partner at Smart. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.