Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial may regalo sa mga fan

0 229

December ang target ng PBA na magpapasok ng mga fan sa venue sa import-laced second conference ng 46th season na planong pasiklabin sa Nov. 28.

Maagang Pamasko sa mga tagatangkilik ng liga.

Nakaugalian na ng pro league na itaon ang Manila Clasico sa ng Barangay Ginebra San Miguel at Magnolia tuwing Dec. 25.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Mas ganado ang players kapag may fans, mas maganda ang atmosphere sa venue,” ani PBA commissioner Willie Marcial na nasa PSA online Forum Martes. “Matagal ko na rin hinihintay ‘to.”

Sa tiyak na Christmas Day game sa inaasintang Ynares Sports Arena sa Pasig, magbibigay ang opisyal ng promos at free tickets sa fans kung papayagan ng IATF.”

Halos dalawang taon nang bakante ang stands sa playing venues sanhi ng pandemya, March 8, 2020 pa huling nagpapasok ng fans sa Smart Araneta Coliseum sa season-opening game ng San Miguel Beer at Pambansang Manok Hotshots. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.