Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial: MVP, Rookie award dedesisyunan

0 160

Anuman ang mangyari, magkakaroon ng asterisk sa tabi ng PBA Season 45 kapag isinama sa history ng liga ang 2020.

Pinatigil ni commissioner Willie Marcial ang mga laro noong March 11 dahil sa coronavirus. Nakakaisang laro pa lang sa season, ang 94-78 victory ng San Miguel Beermen sa Magnolia sa opening night noong March 8.

Higit limang buwan ang nakalipas, desidido ang PBA na i-salvage ang season kahit ang dapat ang opening tournament na Philippine Cup na lang ang matapos.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil iisang conference na lang, paano ang recognition ng players na kuminang. Magbibigay pa rin ba ng individual awards tulad ng MVP, Rookie of the Year?

“Magkakaroon tayo ng consultation sa governors, sa players, at sa media,” dagdag ni Marcial.

Kung si Board chairman Ricky Vargas ang tatanungin, dapat lang na i-recognize pa rin ang effort ng players.

“Whether two or three conferences before, every year tayo. Unless you cancel the season. It so happened that this season is just one conference,” paliwanag niya. “I think it’s fair to recognize them.” (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.