Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial umaasang Sept ang balik ng PBA

0 434

September ang target na pinakamaagang balik ng PBA, inaasahan na puwede pang mai-salvage ang 45th Season kahit isang conference na lang, ayon kahapon kay commissioner Willie Marcial.

Nakaka-isang laro pa lang ang Philippine Cup – ang 94-78 opening night win ng San Miguel Beer kontra Magnolia – nang kanselahin ang mga laro noong March 11. Sa August ay muling magpupulong ang PBA Board para desisyunan kung itutuloy pa o hindi na ang season.

Habang mas mahabang naka-lockdown o quarantine ang Metro Manila at bawal pa ang team sports at mass gatherings, mas mahihirapang makabalik ang liga. (Vladimir Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.