Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial nagpalafang sa QC

0 195

Nagpaabot ng tulong si 2020+1 Tokyo Olympics boxing men’s middleweight bronze medalist Eumir Felix Marcial sa isang community pantry sa Bagumbayan, Libis, Quezon City.

Kasama ng boksingerong miyembro ng Association of Boxing Alliances in the Philippines na nag-deliver ng mga good ang ilang miyembro ng Philippine Air Force at Chooks-to-Go.

Abot tenga naman ang ng 25-year-old, 5-foot-9 Zamboanga City native boxer dahil nakabawi siya sa mga nagbigay sa kanya ng suporta nang lumaban sa quadrennial sports conclave noong July 23-Aug. 8.

SM food to go Banner Ad

“Sobrang saya ko po ngayon dahil nakapag-share po ako sa ating mga kababayan,” pahayag Miyerkoles ni Marcial.

“Kumbaga hindi lang po during na lumalaban ako na na-inspire ko sila pero sa ganitong bagay, naparamdam ko ang pasasalamat ko sa kanila. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.