Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial nangalampag ng bakuna

0 230

Magpapasaklolo ang PBA sa mga kinauukulang opisyal ng pamahalaan para mapadali ang pagkakaroon ng anti-COVID vaccine ng lahat ng involved sa liga.

Sa ganu’n, mas magiging kampante ang lahat na magkakaroon ng panlaban sa coronavirus.

“Hihingi kami ng tulong kay (National Task Force against COVID-19 Chief Implementer and Vaccine Czar) Sec. (Carlito) Galvez (Jr.) para magkaroon kami ng allocation (ng vaccine),” pahayag ni commissioner Willie Marcial sa Zoom press conference nitong Huwebes ng hapon.

Miyerkoles nagsadya sa Malacanang sina Marcial at Ginebra governor Alfrancis Chua para ilatag kina Sen. Bong Go at Executive Secretary Salvador Medialdea ang request na masimulan na ang 46th season.

Pero giniit nilang makakapagsimula lang kapag bumaba ang kaso ng COVID-19 infection sa buong bansa.

At magiging mas kampante kapag nabakunahan ang lahat.

Pumayag si Go na bentahan ng bakuna ang liga, papalitan na lang kapag dumating ang inorder ng SMC at MVP groups, ng ibang teams gayundin ng PBA. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.