Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial pasalamat kay Go

0 51

Laking pasalamat nina PBA Commissioner Willie Marcial at Board Chairman Ricky Vargas sa walang sawang suporta ni Sen. Christopher Lawrence ‘Bong’ Go para sa liga.

Nag-courtesy call sa Malacanang Palace nitong Lunes ng gabi sina Marcial at Vargas kina Go at Executive Secretary Salvador Medialdea.

SM food to go Banner Ad

“Nag-kuwentuhan at nag-pasalamat kami ni chairman Ricky kay Sen. Go sa lahat ng tulong niya para matuloy ang PBA sa Clark bubble last season,” ani Marcial nitong Lunes.

Ipinangako naman ng mambabatas ang pagsuporta pa rin sa 46th PBA Philippine Cup 2021 sa April 9, 30th International Basketball Federation (Fiba) Asia Cup Qualifier 2021 third & final window at sa naturalization ni Angelo Kouame. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.