Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial: PBA tuloy kahit GCQ

0 237

Dismayado, pero naniniwala si Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial na nananatili sa tamang direksiyon ang paghihintay ng pro league na muling makapagbukas at maipagpatuloy ang PH Cup matapos ideklara ang pananatili ng General Community Quarantine (GCQ) sa National Capital Region (NCR).

Ayon kamakalawa sa opisyal, makakayanan pa rin ng liga na maituloy ang 45th season kahit na nanatili ang mga restriksiyon sa ilalim ng GCQ dahil sa muling paglobo ng mga nagpositibo sa COVID-19.

“Siyembre, umaasa ako na mag-ease out ang situwasyon para unti-unting makabalik. Wala tayong magagawa, kailangan nating sundin ang desisyon ng gobyerno,” hirit ni Marcial. “On track pa rin naman tayo at hihintayin natin ang desisyon ng Board sa Setyembre.”

Una nang pinayagan ang pagbabalik ensayo sa basketball at football, kalakip ang pagsasagawa ng mga limitadong ensayo ng mga koponan sa mga gym matapos na ilabas ng Inter Agency Task Force ang isang Joint Administrative Order . (Lito Oredo).

Leave A Reply

Your email address will not be published.