Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial, PBA tutulong sa Gilas

0 91

Bukas ang PBA sakaling humiram ang Samahang Basketbol ng Pilipinas ng player na isasahog sa Gilas para habulin ang huling tiket sa Tokyo Olympics.

Ibinigay ng FIBA sa Pilipinas ang slot ng New Zealand para sa qualifying tournament sa June 29-July 4 sa Belgrade, Serbia.

“Wala pang sinasabi ang SBP,” pahayag ni commissioner Willie Marcial. “Nag-meeting pa kami, wala naman nababanggit.”

Nakipag-training sa Inspire Sports Academy bubble sa Calamba sina Kiefer Ravena, CJ Perez, RR Pogoy, Troy Rosario, Justin Chua at Raul Soyud bago nakansela ang third window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.