Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial piniling Mr Executive

0 79

Paparangalan bilang Mr. Executive sa PBA Press Corps (PBAPC) virtual Awards Night 2020-21 si Philippine Basketball Assciation (PBA) commissioner Willie Marcial para sa kanyang serbisyo sa liga at sa matagumpay na restart ng 45th season sa nagdaang taon.

Naging matagumpay ang bubble season ng PBA Philippine Cup sa nakalipas na taon sa Clark, Pampanga sa pamumuno ni Marcial.

Isa si Marcial sa major awardees na pararangalan sa annual awards night sa Marso 8 pagbabalik nito tapos mabulilyaso ng COVID nitong 2020.(Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.