Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial pokus sa Olympic gold

0 265

Naghilom sa mahabang pahinga dahil sa Covid-19 ang dating namamagang kamao ni Olympic-bound Eumir Felix Marcial na kanyang gagamitin upang tuparin ang pangarap ng yumaong kapatid at asam na unang gold medal ng Pilipinas sa may 96 na taon sa quadrennial sportsfest .

Ito ang binunyag ng 25-anyos, may taas na 5-8, tubong Zamboanga City at manok ng Manny Pacquiao Promotions (MPP) at ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa lingguhang si webcast edition ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes mula sa Los Angeles.

“Medyo matagal din na panahon na napahinga ang kamay ko dahil po sa pandemic. Last ito namaga ulit noong March Olympic qualifying sa Jordan, pero magaling na ngayon. Iniingat-ingatan ko na lang po ngayon kapag ensayo,” litany niya, habang iniisip ang namatay na utol na dapat sana niyang kasama sa Estados Unidos.

“Nalungkot din ako nang malaman ko ang nangyari sa kuya ko. Inisip ko na lang iyung mga sinasabi niya noon sa akin na gusto niyang makita ang Olympic gold medal sa leeg ko, para sa pamilya namin at para sa bansa,” hirit ni Marcial sa sesyong mga hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), Smart, Upstream Media. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.