Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial puntirya 2 conference

0 151

Hindi kakayaning itayo ng isang conference lang ang aspetong pinansiyal ng PBA.

Malaki ang nawala nang tanging ang all-Filipino lang ang matuloy noong isang taon sa Clark bubble sa Pampanga, sinasabing P65M ang ginastos sa tatlong buwan. Wala ring gate revenues.

“Hindi masu-sustain lang ng isang conference ang pera,” paliwanag ni commissioner Willie Marcial Lunes. “Ang dami ng nawala nung last season. kailangang mabawi yun kaya talagang desidido tayo na mag-two conferences ngayon.”
Isang malaking kuwestiyon kung saan ang venue.

“Bubble out of the question as of now,” lahad ni Kume. “Pinakamalapit Biñan (Laguna) o Ynares (Rizal). Eh, wala bawal din sa Laguna. At saka bibiyahe ka araw-araw papunta doon? Talagang Antipolo lang pinakapraktikal.”
Giniit ng PBA chief na depende lahat sa lagay ng bansa sa pandemic.

Kapag bumaba ang kaso, magiging mas maluwag ang quarantine level at posibleng bumalik sa GCQ (general community quarantine) na pinapayagan ang mga laro tulad ng basketball.

Kanselado na ang opening ng 46th PBA Philippine Cup 2021 sa darating na April 18 dahil sa NCR Plus ECQ (enhance community quarantine) na pinalawig pa hanggang April 11. Pansamantalang inurong sa May. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.