Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial puwedeng bubble uli PH Cup

0 72

Kung hindi pa pupuwede sa Metro Manila, magtatayo muli ng bubble sa probinsiya ang PBA para paglaruan ng Philippine Cup.

Mula ngayon hanggang sa target date na pagbubukas ng 46th season sa April 9, oobserbahan ng liga ang estado ng quarantine sa bansa.

Nasa ilalim pa rin ng general community quarantine ang Metro Manila, bawal ang mass gatherings. Ang mga lugar na nasa Modified GCQ, papayagan na magkaroon ng audience ang sporting events pero 50 percent lang ng capacity ng venue.

“Wait and see muna tayo, kung ibababa Metro Manila sa MGCQ bago tayo magdesisyon,” pahayag Juwebes ni commissioner Willie Marcial. “Kung hindi, umpisa na tayong magplano para sa isang bubble uli sa probinsiya.”

Hindi kinukumpirma ng PBA pero base sa reports, umabot sa P65M ang ginastos sa Pampanga bubble ng Philippine Cup mula October 11 hanggang mag-kampeon ang Ginebra noong December 9.

Naranasan na ng players ang mag-bubble, hindi na sila masyadong mahihirapang mag-adjust. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.