Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial sa US ang training

0 153

Nakumpleto ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) ang negosasyon kaya makakapagpatuloy ng training si 2020 Tokyo Olympic-bound Eumir Felix Marcial sa United States Olympic Boxing Training Center sa Colorado Springs.

Dapat na deretsong lilipad diretso si Marcial pa-Thailand pagkatapos ng 2021 Asian Championships sa Dubai, pero hindi natuloy dahil sa visa issues kung saan kinakailangan na ngayon ng Thailand magbigay ng visa sa mga dayuhang bisita dahil sa pandemic.

Nagsasanay sa Thailand ang tatlo pang pa-Tokyo Games na sina Nesthy Petecio, Irish Magno at Carlo Paalam sapul pa noong Marso.

Ayon Biyernes kay ABAP secretary general Edgar genaro Picson, napag-alaman nila na magkakaroon ng multi-nation training camp sa Colorado Springs kung saan kasama ang anim na American Olympic qualifiers at ilan pa mula ibang bansa.

“On instructions of ABAP president Victorico Vargas, I contacted my counterparts in USA Boxing (the American boxing federation) and they graciously granted our request for Eumir and one ABAP coach to join the camp,” ani Picson. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.