Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Marcial sabik kay Roach

0 75

Masaya si 2021 Tokyo Olympics at pro-bound bound Eumir Felix Marcial na makatambal si veteran American trainer Frederick Steven ‘Freddie’ Roach na hahasa pa sa kanyang talento.

SM food to go Banner Ad

“Sobrang excited kasi alam naman natin ang kalidad ng pagtuturo ni Coach Freddie, lalo kay Sir Manny (Emmanuel Pacquiao),” wika ni Marcial sa online press conference na inorganisa ng kanyang backer na Big Boss Cement. “Gaganahan kang mag-ensayo lalo’t ang tutulong sa iyo ‘yung professional talaga.”

Ipinunto naman ni MP Promotions president Sean Gibbons na makakatulong kay Marcial, magde-debut sa pros sa susunod na buwan, ang training kay Roach para lalo pang humusay ang Zamboanga native boxer lalo na sa Olympics. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.