Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eumir sasama sa PH team training

0 313

Sasamahan na ni pro boxer at 2020 Summer Olympic Games-bound Eumir Felix Marcial ang national teammates para sa foreign training camp at competition bago ang naatrasado sa taong itong quadrennial sportsfest sa Tokyo, Japan sa July 23-August 8.

Nabatid kay Association of Boxing Alliances in the Philippines secretary general Edgar Genaro ‘Ed’ Picson na dumating Martes ng bansa si Marcial mula sa ilang buwang Wild Card Gym training camp ni Freddie Roach sa Los Angeles at isang pro fight sa United States noong December.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“We’re still trying to find out how long his quarantine period is, whether it’s seven days or two weeks. Then we’ll coordinate with Zamboanga on how he and Gerson Nietes can train there,” anang opisyal.

Noong Marso pa nasa Thailand training ang kapwa niya pa-Tokyo Games na sina Nesthy Petecio, Irish Magno at Carlo Paalam kasama ang iba pang mga boksingerong sasabak din sa Asian Boxing Championships sa New Delhi, India sa May 21-31.(Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.